Copyright ©2026 LOVE RADIO
Kumikinang na Tambalan: Wala Pa Ngani!
Kumikinang na Tambalan: Wala Pa Ngani!
June 26, 2026

Isang Tamballerina ang nagbahagi sa Kumikinang na Tambalan tungkol sa dalawang taon na niyang tinatagong feelings para sa isang lalaking naging espesyal sa kanya.

Ayon kay Gabby, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na harapin ang kanyang nararamdaman. Dati raw ay puro happy crush lang na tahimik niyang kinakikiligan mag-isa, pero nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang churchmate na nakita niyang may mga qualities na hinahanap niya sa isang future husband.

Pakiramdam ni Gabby, baka may espesyal ding pagtingin ang lalaki sa kanya dahil iba raw ang pakikitungo nito sa kanya, pero wala pa rin sa kanila ang umaamin. Mas naging komplikado pa dahil bestfriend niya ang kapatid ng kanyang crush, na tutol sa kanila dahil baka masira raw ang friendship nila kapag hindi nag-work ang kanilang relationship.

Kaya ngayon, matapos ang dalawang taong pananahimik, napapatanong si Gabby kung hanggang kailan niya itatago ang kanyang feelings para maprotektahan ang friendship nila ng bestfriend nya, o panahon na ba para sabihin ang totoo.

Pakinggan ang buong kuwento at kung ano ang masasabi nina Nicole Hyala at Diego Bandido:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...