Copyright ©2026 LOVE RADIO
BINI, may patikim sa kanilang bagong kantang 'A Parallel World' para sa animated film na 'Forgotten Island'
BINI, may patikim sa kanilang bagong kantang 'A Parallel World' para sa animated film na 'Forgotten Island'
June 23, 2026

Isang malaking pasabog para sa Blooms na dumalo sa kickoff ng 'Signals World Tour' concert ng BINI na ginanap nitong June 20. Sinurpresa nila ang fans nang i-perform nila ang ilang bahagi ng kanilang paparating na single na 'A Parallel World.'

advertisement

Ang kantang ito ay isa sa mga soundtrack ng paparating na DreamWorks’ animated film na ‘Forgotten Island’ na hango sa kulturang Pilipino.

Masaya at excited ang members ng BINI dahil naging bahagi sila ng pelikula na nagpapamalas ng Filipino identity sa buong mundo.

Isang Pinay power kung maituturing ang ‘Forgotten Island’ dahil kasama rin sa pelikula si Lea Salonga, na gaganap na Manananggal at nagbigay rin ng vocalizations upang mapalalim ang musical texture ng pelikula. Makakasama niya si Sophia Laforteza, leader ng global girl group na KATSEYE, na kakanta ng isa pang soundtrack para sa pelikula.

Bibida rin sa ‘Forgotten Island’ si Liza Soberano na magbibigay boses sa karakter na si Raissa, habang ang singer-songwriter na si H.E.R., ang gaganap bilang si Jo.

Mapapanood ang ‘Forgotten Island’ sa mga sinehan simula September 23.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...